S0|\|0\/\/4|23YoU|-|4pPy

I can give you myself, but you can never own me


Previous Entry Share Next Entry
Saling-pusa
edgie_g
Ang langit, minsan mapagbiro, gugulatin ka sa isang tagpo.
Ikaw namang walang kamalay-malay, biglang matutuliro, sapagkat
ang nakaraang pilit iwinawaglit, sa isang kisap biglang manunumbalik.
Ikaw nama'y mag-iisip: ano'ng dahil ng pasakit? Panahong hindi mo
maiisip, na ika'y bibigyang panaglit, ng palaisipang wari'y
sinadyang pilit. Kislap ba ng mga bituin ay nagbago?
o ikot ng mundo'y lumihis sa tiyempo? Bakit parang ang uniberso,
sa iyong buhay ang sentro, kinukutya ka sa larong hindi mo naman ginusto?
O, baka naman nangungusap, hindi mo lang maturan,
na ang pagpikit ng mga tala, at pag-inog nitong daigdig,
may sinasabing pilit, hindi mo lamang marinig. Kaya ikaw ay tatayain,
hinuha mo'y kakaladkarin, upang kasuluk-sulukang karimlan ng mundo mo ay gisingin.
Makikipaglaro ka sa mga tala, babasahin ang pahiwatig, ngunit kahit
anong pilit hinding-hindi mo masisilip. Matatapos ang laro, ikaw ay nakatingala,
mag-iiba ang kislap ng mga mata. Hindi pa rin mawawari kung bakit,
dahil saling-pusa ka lang pala.

?

Log in

No account? Create an account